Lumikha na naman ng kasaysayan sa boksing ang araw ng Sabado, ikalawa ng Mayo 2009 dahil sa pagkapanalo ni Manny "Pacman" Pacquiao laban sa Briton na si Ricky "The Hitman" Hatton. Ang labang binansagang The Battle of East vs. West ay tinutukan di lamang sa Pilipinas kundi ng buong mundo.
Tensyon ang bumalot sa ring bago nag umpisa ang laban at may kanya- kanyang pambato ang bawat isa, lalo na sa mga manunugal. Siguradong humihiyaw ang pustahan!
Masasabing kapwa magagaling at determinado ang dalawang boksingero at wala ni isa sa kanila ang nais magpadaig at naghahangad na maiuwi ang karangalan di lamang para sa kanilang mga sarili kundi para sa bayang kanilang kinakatawan.
Marami na ring mga nakuhang belts si Pacquiao sa kanyang mga naging huling laban. Dahil sa kanyang nakamit, siya ang unang Pilipino at Asyanong boksingero na makakuha ng limang world titles sa limang iba't ibang weight divisions. Siya rin ang IBO at Ring Magazine Light Welterweight champion at binansagan ng Ring Magazine na #1 pound-for-pound boxer in the world.
Samantalang si Hitman ay naging two-time IBF and IBO light welterweight champion. Siya rin ay naging WBA Welterweight Champion, WBU, WBA Light Welterweight Champion at WBC, WBA, WBO Inter-Continental Light Welterweight Champion, at Ring Magazine Junior Welterweight Champion.
Sa nakalipas na laban, napagtagumpayang masungkit ni Pacquiao ang kampyonato para sa Light Welterweight Division nang matalo nya si Hatton sa pamamagitan ng knockout: 2 beses sa unang round at 1 bago matapos ang ikalawang round. Maraming mga na dismaya dahil saglit lang ang laban, lugi para sa mga nanood sa pay-per-view at nagbayad ng mahigit 500 pesos mapanood lang ng live ang laban ni Pacquiao. Kahit nga si Pacquiao ay nagsabing napakadali ng laban nila ni Hatton na hindi man lang natapos ang ikalawang round ay napabagsak na ang kalaban. Kailangan pa ngang dalhin sa ospital si Hatton dahil nawala sya sa ulirat ng ilang minuto dahil sa lakas ng sapak ng Pambansang Kamao.
Kahit na sandali lang ang laban, sulit na rin dahil nasaksihan natin kung paanong maipanalo ng ating Pambansang Kamao ang laban at maitaas ang ating bansa. Sa ganitong mga pagkakataon, napakasarap maging Pilipino. Ang makilala ang bansa sa buong mundo at malaman nila na magagaling ang mga Pilipino. Pero sana hindi lang dito. Hindi lang sa basag-ulong sports tayo magaling. Kundi sa ating kabutihang-asal, ang ating mga kaugalian, katapatan at pagkamakabayan. Sana sa labang ito mabuksan ang ating diwa at hindi lang si Pacquiao ang gumawa ng kanyang papel bilang Pilipino- kundi ang bawat isa sa atin sa ating mga sariling paraan.
Mabuhay ang Lahing Pilipino!
Showing posts with label Hatton. Show all posts
Showing posts with label Hatton. Show all posts
MABUHAY ANG LAHING PILIPINO!
Read User's Comments(0)
Subscribe to:
Posts (Atom)






