everytime dumadami ang kain ko lalo na sa gabi sumasakit ang tiyan ko sa umaga. nagigising talaga ko ng maaga dahil sa sakit. pero hindi naman ako kaagad nau-uu. masakit lang talaga sya. 3 times ko palang nae-experience yun sa buong buhay ko- pangatlo kanina.
yung first time nun di ko na masyadong naalala pero isa lang ang culprit- yung katakawan ko. i confess. sadyang malapit lang talaga sa puso ko ang pagkain at mahilig talaga ako kumain. lalo na ng vegetables. sobrang mahilig ako sa vegetables. kaya lang dahil nga hindi ko macontrol yung sarili ko sa pagkain ganun tuloy nangyayari. natatawa sila sa ken... ang siba ko nga naman kasi. pero nasasaktan naman ako- sa sakit ng tiyan ko.
yung second time ganun pa rin. kaya nga sinasabi ko na hindi na talaga ko kakain ng marami. never again.
eh kagabi, ang ulam namin sinigang na hipon. tapos yung tuyo na binili namin ang sarap nya. hindi sya talaga lasang tuyo. para syang smoked kaya ginanahan talaga ko kumain. nung afternoon nag greenwich pa kami. inorder ko para sa kin lasagna. solved na sana ko dun. kaso naman yung anak ko di naubos yung pizza nya, ako pa kumain. eh di nasobrahan tuloy ako. kaninang umaga sakit talaga ng tiyan ko. ayan kasi, ang siba eh.
dahil tuloy dun di nakapasok mga anak ko sa school. hay.
ayoko na nga sabihin na hindi na talaga ko kakain ng marami, promise. hindi ko na sinabi yun kanina. ang hirap kasi tuparin. basta ita- try ko na lang yung best ko na icontrol yung kain ko. good luck na lang sa ken.
kahapon pala sa greenwich nung sine-serve na yung order naming drinks, may customer na naka sanggi dun sa waiter. natapunan tuloy mama ko ng pineapple juice. di man lang nagsorry yung customer! grabe yun. buti na lang mabait yung crew saka managers ng greenwich sta. lucia. binigyan kami ng maraming tissue at towel pang sapin sa likod ni mama. bahala na ang Diyos sa customer na yun. walang modo. at sa mga staff ng greenwich sta. lucia, maraming salamat po, mabuhay po kayo!
Showing posts with label food. Show all posts
Showing posts with label food. Show all posts
ang katakawan at ang parusa
Read User's Comments(0)
Subscribe to:
Posts (Atom)






